Ang Huling Yakap Ng Mundo
Naranasan mo na bang
Gumising na kailangang
Gapangin ang gulo
Lungkot na 'yong dala
Tila sumpa
Mabigat pa sa iyo
Ihahatid kita
Sa dulo ng pangakong
Sisirain mo
Maiiwanan mong nakakapit
Maiiwanan mong pinipilit agawin
Ang huling yakap ng mundo
Matagal ko nang lulan
Ang iyong pagaalangan
At muli kang bibitaw
Marami kang gusto
Kasama ba ako
Sa puwang sa buhay mo
Itatawid kita
Sa dulo ng pangakong
Babasagin mo
Maiiwanan mong nakakapit
Maiiwanan mong pinipilit agawin
Ang huling yakap ng mundo
Oh oh ah oh ah
Oh oh ah oh ah ahh
Maiiwanan mong nakakapit
Maiiwanan mong pinipilit
Maiiwanan mong nakakapit
Maiiwanan mong pinipilit agawin
Ang huling yakap ng mundo